Money Belt

Sa pagpapadala ng email, kapag na-edit at nakumpleto mo na ang buong liham, saka mo i-type ang recipient’s email address. Minsan kasi, aksidenteng napipindot ang SEND button kahit blanko o may nakasulat na pero nangangailangan pa ng correction sa grammar.

Sa pagpiprito ng bur­ger patty: Lutuin ito sa low flame upang hindi masunog ang ibabaw pero hilaw naman sa gitna. Iwasan din diinan ng siyanse ang mismong burger patty habang niluluto dahil napipiga ang juice nito.

Labhan sa malamig na tubig ang dark/black clothes para hindi  kumupas ang kulay.

Kapag nasa biyahe, magsuot ng money belt (nasa larawan) kung saan ilalagay ang passport, credit card, at emergency cash. Itago ito sa ilalim ng iyong blouse o T-shirt.

Show comments