Hindi lang Pinoy ang mahilig sa pamahiin, mga Amerikano rin mula sa Kentucky:
Kapag sobrang magkamukha ang magulang at anak, mas mahaba ang buhay ng anak kaysa kanyang magulang.
Good luck ang makakamtan kung ang anak na babae ay kamukha ang kanyang ama o ang kamukha ng ina ay ang kanyang anak na lalaki.
Kapag dumalaw ka sa inang kapapanganak pa lang at nagkataong lalaki ang kanyang anak, mainam na halikan ang baby upang suwertehin ka.
Ang pag-iyak ng baby habang binibinyagan ay sign ng good luck.
Dapat ay unang maranasan ng baby na ipanhik siya sa hagdan o bundok kaysa ibaba mula sa mataas na lugar upang ang kanyang magiging buhay ay pulos pataas na simbolo ng pag-asenso.
Maglagay ng coin sa palad ng baby. Kapag isinara niya ang kanyang kamay, siya ay magiging matipid. Kung hindi, magiging galante at gastador.
Hangga’t wala pang isang taon ang edad ng bata, dapat ay sa paa padaanin ang lahat ng damit na isusuot sa kanya. Huwag sa ulo padadaanin ang damit dahil mamalasin ang bata.
Kung kakagatin ang kuko ng baby ng ibang tao, magiging magnanakaw siya paglaki niya.