Panaginip: May bahay akong hinahanap sa isang kalyeng ang kalsada ay pataas na parang bundok. Nang mapadaan ako sa isang bahay ay may babaeng nagtatapon ng basura sa labas ng kanilang bahay. Paghagis niya ng basura ay sa mukha ko ito tumama.. - ‘Escabeche’
Interpretation: Ang pag-akyat sa kalsadang pataas ay ang simbolo ng pagsisikap mong matupad ang iyong pinapangarap. Ngunit sa pagsisikap mong maabot ang pangarap, makakaranas ka ng sama ng loob—isa rito ay pagkasira ng reputasyon. Ang basura ay simbolo ng pera. Ang pagtama sa iyong mukha ng basura ay nagpapahayag na masisira ang iyong reputasyon dahil sa pera. Kaya ingat at magdasal na gabayan ka sa tamang landas.