Kakaiba ang pagsamba ng mga tao sa bansang Angola sa Southern Africa. Dahil sa mas malaking populasyon dito ang nanainiwala sa “indigenous belief” at pumapangalawa lamang ang Katolisismo, marami ang sumasamba sa kanilang mga ninuno.
Naniniwala sila na ang mundo ng mga namayapa na ay may malaki pa ring koneksyon sa mundo ng mga nabubuhay. Dahil dito, naniniwala rin sila na malaki ang niaambag ng kanilang mga yumaong ninuno sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit kinukunsidera nilang miymebro pa rin ng komunidad ang mga yumao na.
Dahil nga sa common nang makikita sa indigenous religions ang ancestral worship, kinukunsidera nila ang mga yumao sa lahat ng kanilang desisyon sa buhay. Naniniwala sila na kung hindi nila mapapaboran ang mga “espiritu” ay maaaring balikan sila nito.
Kasama sa kanilang paniniwala na kayang magbigay ng mga yumaong ito ng taggutom, sumpa, sakit, at mga kalamidad sa kanilang mga tao.
Ang kanilang mga ninuno ay sinasamba sa pamamagitan ng mga ritwal at seremonya na kadalasang may pag-aalay ng mga hayop.