1—Imasahe ang breast bago magpasuso. Kapag sumosobra ang gatas, ito ay naiipon na nagiging sanhi nang hindi komportableng pakiramdam. Nagiging maganda ang daloy ng gatas kung dahan-dahan itong imamasahe. Kapag napupuno na ng gatas ang breast ni Mommy, may paniwala ang matatanda na senyales itong gutom na si Baby at kailangan na itong pasusuhin.
2—Warm compress. Maglagay ng hot water sa hot water bag. Ito ang ipatong sa sumasakit ng breast.
3—Iwasang tuyuin ng cloth ang nipple pagkatapos magpasuso. Ang tendency ay ma-dry ito at maging mahapdi tuwing magpapasuso. Sa halip, kumuha ng bulak, basain ng maligamgam na tubig at ito ang idampi sa nipple. Hayaang matuyo sa hangin saka isuot ang bra.
4—Ayusin ang posisyon ni Baby tuwing magpapasuso. Be sure na nakasubo rin ang areola sa bibig ni Baby. Minsan, nipple lang ang nakasubo kaya nahihigit itong mabuti.
5—Tuwing ika-limang minuto ay halinhinang pasusuhin si Baby sa kanan at kaliwa para maiwasan ang pagkapuno ng gatas. Sobrang ‘stock’ ng gatas ang nagpapasakit sa suso ng ina.
6—Kung mahinang sumuso si Baby pero magatas ang ina, gumamit ng breast pump para mabawasan ang gatas sa suso ni Mommy.
7—Magsuot ng supportive bra na yari sa cotton o telang maginhawa sa balat.