Lahat ng pagkain ay napapanis at nasisira. Pero pati ba ang tubig ay napapanis din? Minsan kapag naiiwan natin ang tubig sa isang lalagyan, nag-iiba ang lasa at amoy nito. Pero talaga bang may hangganan ang buhay ng tubig na inumin?
Kung mapapansin n’yo ang mga bottled water ibinebenta sa mga grocery ay may nakatatak na expiration date. Kaya talagang mapapaisip ang kung sinumang makakita nito na nasisira pala ang tubig. Pero mali ito, ang expiration date na nakalagay na expiration date na ito ay hindi para sa tubig kundi para sa plastic bottle. Walang proteins o sugars ang tubig kaya’t hindi ito napapanis tulad ng mga karaniwang pagkain.
May isang catch lang, kung ang tubig sa bottled water ay naiwang nakasingaw o walang takip mag-iiba ang chemical composition nito. Nakaka-absorb kasi ang tubig ng carbon dioxide kaya nag-iiba ang lasa, kulay at amoy nito. Ito rin ang masasabing “panis” na tubig dahil hindi na nga kaaaya-ayang inumin.
Kaya kung may mga tubig kayo sa bote, ugaling takpan kung nais pang magtagal at mainom ito. Burp!