Kahit sabihin pang sobrang sophisticated at hi-tech ang buhay ngayon, kasabay nito ay simbilis din ang pakiramdaman na nadadagdagan ang edad o masakit man marinig ay feeling tumatanda na ang tao.
Mula sa ulo, leeg, batok, likod, at hanggang sa paa ay may reklamong sakit na nararamdaman. Hindi pa kasali ang high blood pressure, stress, at kaliwa’t kanang pressure dahil sa problema. Hay naku! Sino ba ang hindi agad magkakaedad sa ganyang istilo ng buhay.
Pero kung gusto pang humaba ang buhay, puwes marami rin dapat iwasang bad habits na mas mabilis na humahatak sa pagtanda. Tulad ng paninigarilyo, pagkain ng mga junk food, pag-inom ng alcohol, maling pagda-diet, laging galit, kulang sa pag-inom ng tubig, at hindi pagtulog ng sapat na oras.
Unti-unting bawasan ang mga nakagawiang masasamang habits or else hindi ka lang magmumukhang matanda, kundi mapapaaga rin ang pagharap kay kamatayan.