Hindi Pinagmartsa
Dear Vanezza,
Nagkaroon ng trauma at depression ang anak ko ng hindi siya pinagmartsa noong graduation niya sa high school last March. Ang sabi ng principal ay hindi raw kasi natapos ang requirements ng anak ko sa school. Graduate nga siya pero hindi siya pinaglakad sa stage. Kaya hindi na rin ito umatend ng graduation. Naka-enroll na ang anak ko sa college last June. Pero ayaw niyang makita ang kanyang mga classmates o pumunta sa reunion nila noong Pasko. Kumukuha siya ng culinary arts sa isang private school, mukha namang nai-enjoy niya ang pag-aaral ngayon. Pero nagkakaroon siya ng takot tuwing may exam sila. Ano po ang dapat kong gawin para matulungan siyang mawala ang takot?
– Mommy Gloria.
Dear Mommy Gloria,
Naisangguni mo na ba sa DepED ang kaso ng iyong anak? Upang mabigyan linaw kung tama ang ginawa ng eskuwelahan sa pag-deprive ng pagmamartsa sa iyong anak. Makatutulong din kung iharap mo siya sa mga professional psychologist para ma-address ang kanyang kalagayan. Suportahan din siya sa kanyang pag-aaral at laging i-check ang kanyang pangangailangan para ma-overcome ang kanyang takot. Naway gawin niyang challenge ang kanyang naging karanasan para maging mas mabuting mag-aaral.
Sumasaiyo,
Vanessa
- Latest