Paano Magiging Good Luck ang Bathroom?

Kung tutuusin, hindi magandang itayo ang bathroom sa loob ng bahay. Nagdadala raw kasi ng kamalasan. Kaya noong araw sa China, ang bathroom nila ay nasa labas ng bahay. For convenience, karaniwan na ngayong nasa loob ng bahay ang bathroom. Paano ang mabuting gawin upang sa halip na kamalasan ay suwerte naman ang idulot ng bathroom?

Araw-araw ay linisin ang bathroom kasama na ang mirror. Kailangan haluan ng asin ang tubig, na ipambabasa sa basahang, ipampupunas ng mirror.

Pagkatapos linisin ng sabon ang bathroom floor, punasan ito ng tubig na may asin.

Mag-spray ng air freshener.

Laging isara ang toilet seat cover. Lagi rin isara ang bathroom door.

Panatilihing malinis ang bathroom para manatili ang welth luck sa inyong tahanan.

Show comments