Pangangasiwa ng Basura
Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Enero ang zero waste. Layunin na mapalawak pa lalo ang awareness ng lahat sa hamon na mabago ang lumang paniniwala patungkol sa basura na imbes na bawasan ay i-manage o pangasiwaan ang mga kalat.
Kahit may mga batas na patungkol sa recycling, reusing, reducing pero malawak at mahaba-haba pa rin ang proseso ng labanan sa ganitong pakikibaka mula sa basura ng produksyon ng industrial, transportasyon, at maging sa kalat na naiipon sa ating mga tahanan.
Hindi lang dahil sa apektado ang kalusugan ng bawat isa, kundi maging ang pagbabago ng klima na sanhi ng lason na nakukuha sa polusyon mula sa mga basura; pumapatay din sa kalikasan ang pagdumi ng hangin, tubig, dagat, at pagkasira ng kagubatan, palayan, taninam na siyang pinagkukunan din natin ating ng pagkain.
Isa sa pinakamainam ay kung paano pangasiwaan ang kalat kahit sa simpleng basura na nakukuha sa ating kusina. Madalas akala ng marami na diretso agad sa trak ng basura ang naipong kalat. Kahit nga ang natitirang pagkain o dumi ng pusa at aso ay puwedeng gawing pampataba ng mga halaman na nakatanim lang sa mga paso.
Sa katunayan ay puwedeng maging kapaki-pakinabang ang mga basura dahil makalilikha pa ng out of something sa inaakalang basura na pinagkakakitaan pa ng marami.
- Latest