Dear Vanezza,
Halos 15 years nang namatay ang tatay ko. Mula noon ay solo nang nagpalaki at nagpaaral sa amin si nanay ng kuya ko na 25 years old na at ako ay 23 years old. Okey naman sa amin na mag-asawa si nanay kaso ay sobrang senior citizen na ang nobyo niya. Ang feeling namin ay si nanay pa ang mag-aalaga sa kanyang matandang nobyo. May pera naman ang biyudong nobyo ni nanay, ayaw lang namin na maghirap pa si nanay. Pareho kami hindi boto ni kuya, pero nakikita namin na masaya si nanay, pero wala kaming magawa dahil balak nilang magsama na. Ano po gagawin namin? Parehong wala pa kaming asawa ni Kuya. Kaya feeling namin ay hindi na kailangan ni nanay na mag-asawa pa muli. –Sandy
Dear Sandy,
Huwag mong pigilan ang ikaliligaya ng nanay mo. Hindi mo alam kung ano ang kailangan niya. Tutal naman tapos na kayo mag-aral at nasa hustong gulang na. Panahon na para makakita ng mamahalin ang nanay mo. Wala sa edad ang pag-ibig, kundi sa tapat na pagmamahalan nilang dalawa.
Sumasainyo,
Vanessa