May mga tao na hindi sang-ayon sa New Year’s Resolution dahil may habit ang iba na magaling lang sa simula, pero hindi natatapos ang isang project na gustong gawin.
Puwedeng kung ang goal sa buhay ngayon bagong taon ay ang gustong pagtatayo ng negosyo, pagpapapayat, pagsusulat ng libro, magko-compose ng kanta, pag-aaral matutong tumugtog ng gitara, piano, o gustong magsimula ng pagbi-bake.
Kadalasan sa pag-iisip pa lang ay na-stuck na ang tao, hindi naiisip na hindi magic ang pagbuo ng goal o pangarap kundi hindi kikilos ay hindi rin nito matutupad ang pangarap.
May ilang steps para matapos ang project na sinimulan:
Interes – Pagsasayang lang ng oras ang isang bagay kung hindi naman talaga totally interesado sa gagawin, dahil nadala lang sa agos ng iba. Siguraduhin na ito talaga ang pinakagustong simulan o passion sa buhay. Kung hindi pa tiyak, subukan muna sa maliit na bagay at tingnan kung uubra bago sa susunod na hakbang tungo sa goal.
Plano – Kakailangin ng outline para ma-estimate kung magkanong budget, manpower, investment para magkaroon ng bird’s eye view sa project o business na itatayo. Isulat sa kalendaryo na mainam na markahan agad kung kailan at anong oras ang activities na gagawin. Kung naka-block na ang kalendaryo isulat na rin ang to-do list sa araw na ito. Madalas din ay nawawalan ng gana sa gitna ng ginagawa dahil may taong na-underestimate rin ang bigat ng goal.
Budget – Maging realistic sa mga idea na binabalak kung kakayanin ng budget. Kaya makatutulong ang pagpapaplano para mapag-ipunan ang financial na gagastusin. Madali kasi sa simula, pero dahil habang tumatagal ay pahirap nang pahirap ang proseso o nagmamahal ang ang gastusin, kaya napagod at naubos lang ang oras, energy, at nadidismaya sa inaasahan.
Commitment – Tigilan na ang pagiging perfectionist. Ang importante ay maging determinado na tapusin ang sinimulan hanggang sa matapos. Huwag kalimutan sa bawat natatapos ay bigyan ng reward ang sarili para mabuhayan ang loob at magtagumpay ang gustong makamit.