Kailangang din maging maingat sa paggamit ng indoor fountains. Hindi lang ito basta pangdekorasyon kundi panghatak ng wealth luck. Ngunit kung mali ang paglalagyan, ito ay magdudulot ng perwisyo kaysa kapakinabangan. Ang sinisimbo ng water sa Feng Shui ay wealth and prosperity.
1— Ang best Feng Shui area para ilagay ang fountain: a) East—para makamit ang good health at magandang relasyon ng pamilya. b) Southeast—prosperity and abundance. c) North—career luck.
2— Huwag ilalagay sa South area dahil Fire ang element na konektado rito. Magkalaban ang fire at water. Dahil nagtataglay ang dalawa ng conflicting energy, malaki ang tsansang magkaroon ka ng problema sa iyong reputasyon. Ang South ay konektado sa iyong Fame and Reputation.
3— Huwag maglalagay ng fountain sa bedroom. Magdadala lang ito ng “energy of worry” sa iyong bedroom. Magiging suki ka ng mga problema.
4— Mas mainam kung ang bibilhing fountain ay puwede kang mag-diffuse ng mababangong essential oil at may space para makapaglagay ka rin ng semi-precious stones. Lalo nitong palalakasin ang magandang energy na taglay ng water element.