^

Para Malibang

Walang makatatalo sa -pagiging loyal ng mga Lebanese

Pang-masa

Kung loyalty ang pag-uusapan, ang mga Lebanese o mamamayan ng bansang Lebanon sa Middle East ang isa sa mga masasabing tapat sa kani-kanilang grupo o pamilya. Ang pinakamahalaga sa kanila ay ang dignidad at pangalan ng kanilang angkan. Hindi lang kasi sarili nilang pangalan ang kanilang pinangangalagaan kundi pati nga ang sa pamilya hanggang sa grupo na kanilang kinaaaniban.

Itinuturing nilang res­ponsibilidad ang pag-aalaga ng pangalan at reputasyon ng kanilang pamilya o grupo. Gagawin nila ang lahat para maisalba ang reputasyon ng kanilang pamilya at sariling dignidad.

Dahil din sa respeto nila sa kani-kanilang mga pamilya o grupo, iniiwasan nila ang mamahiya ng tao sa publiko. Kung gaano nila ingatan ang kanilang pangalan ay ganoon din nila iniingatan ang sa iba. Makikita rin ito sa kanilang pagpayag sa mga pabor ng kaibigan para lamang maisalba ang dignidad nito kahit alam naman nilang hindi nila gagawin ang kahilingan ng kaibigan.

Ganito katatag ang samahan ng mga Lebanese. Hinding-hindi rin sila nang-iindyan at nang-iiwan sa ere kung may ‘di kagandahang kaganapan. Kumbaga ipagtatanggol nila ang kanilang pamilya o kaanib sa grupo kahit ano pa ang mangyari.

ACIRC

ANG

DAHIL

GAGAWIN

GANITO

ITINUTURING

KANILANG

KUMBAGA

MAKIKITA

MIDDLE EAST

NILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with