Makatutulong ba sa mga Commuters at Trapiko ang Bagong Double Deckers Bus?
*Nakatulong naman ang double-deckers bus nang magka-aberya naman ang MRT nung isang araw. Punuan din ang ibang bus sa may SM North Edsa. At least nabawasan ang problema ng mga commuters. – Sally, Pasig
*Akala ko ba kailangang magbawas ng sasakyan lalo na sa biyaheng Edsa. Imagine 15 units ng double-decker pa na bus ang inilabas ng LTFRB. Eh di nagpasikip pa lalo sa traffic lalo na sa rush hours. – Kitz, Quezon City
*Ang lapit-lapit lang ng biyahe mula SM North Edsa hanggang Glorietta 5 ang mahal ng pamasahe P55 agad. Hindi man lang babaan pa ng konti pang masa ang presyo. – Choloe, Edsa
* Ang laki-laki ng double deckers na bus. Doble gastos din yan na kinuha sa pera ng bayan. Imbes na mag-isip na ayusin ang MRT, gumastos na naman. - Cheche, Makati
* Paano naman makakatulong yun. Pangmayaman ang presyo? Sa laki ng bus mas matagal pa makipagsiksikan sa kahabaan ng Edsa. - Pasagasa na yan si PNoy at Sec. Abaya sa tren. - Ging, Mandaluyong
- Latest