—10 Bagay na hindi mo alam tungkol sa pagpapasuso:
1—Ang metabolic energy na katumbas ng pagpapasuso ng isang ina kada- araw ay tuluy-tuloy na paglalakad ng may layong pitong milya or 11.2654 kilometers.
2—May nagbebenta ng gatas ng ina sa Internet—$4 per ounce, 262 times ang kamahalan kumpara sa presyo ng gasolina.
3—Mas maraming gatas ang kanang suso.
4—Hindi lang iisa ang butas ng utong. Para itong spray na maraming butas. Iba’t iba ang bilang ng butas per nanay.
5—Walang kinalaman ang size ng suso sa rami ng gatas ng isang ina.
6—Ang inang nagpasuso sa kanyang mga anak ay lumiliit ang tsansa na magka-ovarian at breast cancer; osteoporosis at sakit sa puso. Mas matagal nagpasuso, mas maraming benepisyo. Ang inang walong taong nagpasuso (pinagsama-samang bilang ng taon nagpasuso ng mga anak) ay may zero (0) percent ng tsansang magkaroon ng breast cancer.
7—Ang baby girl na pinalaki sa gatas ng ina ay nababawasan din ang tsansang magka-breast cancer ng 25 percent.
8—Maganang kumain ang toddlers na pinalaki sa gatas ng ina.
9—Bukod dito, nagkakaroon ng makinis at makintab na kutis ang sanggol na laki sa gatas ng ina. Nagkakaroon sila ng kakaibang bango na parang amoy vanilla. Bukod dito, ang kanilang “poop” ay hindi gaanong mabaho.
10—Ang gatas ng ina ay may taglay na bacteria fighting cells na pumipigil sa pagkasira ng ngipin ng bata.
# kahanga-hangang pagkain mula sa ina.