Tumatanaw ng Utang na Loob

Dear Vanezza,

Ako po si Mae at 35 years old na tumatanaw ng utang na loob sa tita kong nagpaaral sa akin. Matanda na po siya at sakitin. May dalawang anak ang tita ko na ang bunsong babae ay  halos kasing edad ko. Lagi akong hinihingian ng pera ng pinsan ko kapag naoospital si Tita. Okey naman sa akin dahil tumatanaw ako ng utang na loob. Isa lang akong empleyado sa isang opisina, kaso hindi po maintindihan ng asawa ko ang pagbibigay ko ng pera sa tita kong sakitin. Alam kasi niyang ginawa akong katulong ng tita ko noong dalaga pa ako. Para sa asawa ko ay bayad na ko sa tulong ng tita ko noon pa. Ano po ang gagawin ko?

Dear Mae,

Kung nakakaluwag ka naman sa buhay ay wala itong problema ang pagbibigay sa tita mo. Kung ginagawa mo ito ng buong puso at walang reklamo ay ipaliwanag mo sa iyong asawa. Maaaring iniisip lang ng asawa mo na may sarili ka ng pamilya na dapat priority mo sa buhay. Mag-usap kayong mag-asawa kung dahil may kapalit din na biyaya ang pagtulong sa kapwa lalo na sa nagpaaral sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments