Paghuhubog sa Bagong Henerasyon

Sa murang edad ng mga bata ay nagmamasid na sa pag-uugali ng mga nakatatanda sa kanilang buhay. Isang kakaibang pagkakataon na maimpluwensiyahan ang mga susunod na henerasyon.

Simulan ang paglalaan ng oras sa kanilang buhay. Kahit ano pang activities, ang pagbabasa kasama sila, ang pakikipag-usap, at pagiging magandang modelo sa araw-araw.

Ang pakikinig sa kanila ay isang bahagi rin ng pagtuturo sa mga anak at ibang bata sa ating paligid. Kung ano ang kanilang iniisip, ang bagay na mahalaga at  nagpapasaya sa bata. Maging ang bigat at nagbibigay alalahin sa mura nilang isipan.

Protektahan ang bata sa pamamagitan ng disiplina na may pagmamahal. Ang paghingi rin ng sorry at pag-amin ng mali ng matanda sa bata ay pagtuturo ng pagpapakumbaba na pagpapahayag na kahit sino ay walang perpekto.

Sa pagpapalaki ng anak ay isang oportunidad na dapat samantalahin ng magulang at ng buong pamilya.

Show comments