Maraming beses nang ginamit ang sinasabing “hindi na baleng tamad, hindi naman pagod.”
Parang negatibo ang effect kapag unang napakinggan ang birong comment. Pero nang marinig ko ito na ginamit ng isang commentor sa radio para himukin ang mga entrepreneur na i-level up ang sistema ng kanilang negosyo, mas madaling maintindihan ang gusto pakahulugan sa positive side.
Para mapadali ang proseso ng pagtakbo ng negosyo, mas marami nang paraan ngayon imbes na sa manu-manong pagtatrabaho tulad ng simpleng pagrerepake ng isang produkto. Ngayong hi-tech na ang sistema, hindi na kailangan ng subsuban ang pagbabantay sa isang particular na task kahit sa simpleng paraan.