(Last Part)
5—Upang isipin ka niya o mapanaginipan lagi, pahiran ng rose oil or orange oil ang four corners ng litrato niya at ilagay mo ito sa ilalim ng iyong unan.
6—Sa mga naghahanap ng bagong makakarelasyon, magsindi ng red candle sa harap ng imahe o picture ni Santa Barbara. Ipanalangin na maging attractive ka sa iyong soulmate.
7—Upang lagi kang nasa isip ng iyong lover ganito ang iyong gawin sa tuwing magpapaalaman kayo (assuming na hindi pa kayo mag-asawa at inihahatid ka niya sa inyong bahay): Pagkaalis ng iyong boyfriend, magkiskis ka ng palito ng posporo sa ilalim ng takong ng iyong suot na sapatos sabay bulong ng—“Be true”.
8—Para magkaroon ng bagong lover: a) Bumili ng pink candle. Gamit ang matulis na bagay, iukit ang heart shape. Isulat ang iyong pangalan sa loob ng heart. B) Sa tabi nito ay iukit din ang symbol of Venus—bilog na may krus sa ilalim. C) Sindihan ang pink candle at hayaan itong maubos.