Kapurpurawan

Likas na maraming magagandang lugar ang meron ang Pilipinas, ngayon, bigyang-pansin natin ang napakagandang rock formation sa bandang norte, ang Kapurpurawan na matatagpuan sa Burgos, Ilocos Norte.

Tinawag na “Kapurpurawan” ang nasabing lugar dahil sa napakaputi nitong anyo, ang “puraw” kasi sa Ilocano ay “puti” sa wikang Filipino.

Talagang napakagaling humulma ng kamay ng ating kalikasan, sinasabi kasing nangyari ang rock formation dahil sa hampas ng alon ng dagat ng Bagui, samahan pa ng malakas na hangin ang dahilan daw kaya nagkaroon ng ganitong anyo ang Kapurpurawan ilang milyon nang taon ang nakakaraan.

Pwede kayong ma­ka­pamasyal dito pero hindi kayo makakalapit sa mismong “formation” dahil pinagbaba­wal na ito upang maiwasan ang  vandalism o ang pagsusulat sa bato sa nasabing lugar.

Tingin ko ay mabuti na rin ito para mapanatili at mapangalagaan ang ganda ng Kapurpurawan.

Sabi nga ng isang kanta, “Leave nothing but footprints”, hindi maganda kung mag-iiwan ka ng bakas sa kahit na saang lugar sa pamamagitan ng pagsusulat ng iyong pangalan. Kawalanghiyaan kasi ito para sa mga lokal na naninirahan doon, mumurahin pa nila ang pangalan mo na sinulat mo sa bato/puno.

Show comments