Kumain ng orange or yellow fruits and vegetables dahil ito ay sisik sa antioxidant beta-carotene na humahadlang sa breast cancer. Mainam din ang pagkain na mayaman sa omega-3 fatty acids (salmon, avocado at itlog) at pagkaing mataas sa magnesium.
Magsuot ng tamang size ng bra.
Ugaliing mag-exercise ng 4 na oras o higit pa kada linggo upang bumaba ang estrogen level na may kinalaman sa breast cancer.
I-tsek buwan-buwan kung may pagbabagong nakikita o nakakapa sa breast. Nagbago ba ang size, shape, skin texture, may “rashes”, discharge o bukol.
Itigil ang paninigarilyo.
Mag-aplay ng sunscreen sa breast, at least SPF 15 tuwing magbibilad sa araw.
Magsuot ng sports bra tuwing mag-eehersisyo para maiwasan ang pagkalog.
Ayusin ang iyong posture. Nakakatulong din ito para hindi lumaylay na parang puwede nang isabit sa sampayan.
Sa halip na magpalaki ng breast sa pamamagitan ng operasyon, ganito ang gawin kapag magsusuot ng dress na may plunging neckline: Pahiran ng matte bronzer ang boobs bago magsuot ng bra upang lumikha ng ilusyon ng malalim na cleavage.