Simulang Maging Productive ang Buhay sa Loob ng 10 Minuto

Bagong taon, bagong adventure sa opisina man o eskuwelahan. Kahit pa predictable na ang trabaho o lesson sa school ay marami pa rin puwedeng gawin para  maging productive ang pagsisimula ng taon.

Malalaman agad sa kilos at gawa kung ang isang tao ay may goal o productive sa kanyang task sa loob lamang ng 10 minuto, para matapos ng on time ang trabaho o assignment sa maghapon.

May ilang suhestiyon na puwedeng gawing halimbawa para maging productive rin ang buhay:

Journal – Ayon sa  pag-aaral ang mga taong isinusulat ang kanilang personal goals tulad na pagiging determine, optimistic, at pagkakaroon ng energy ay ang mga taong mas masayahin at mas maraming natatapos na trabaho.

Mahalaga ring isulat ang mga bagay na ipinagpapa­salamat mo sa iyong buhay. Kasabay ding isulat sa notes ang mga dapat gawin sa araw-araw para naka-mind set ang mga goals na tatapusin sa maghapon.

Desk – Magandang pagdating sa trabaho ay iligpit agad ang kalat sa iyong desk. Malaking pagsasayang kasi ng oras ang kahahanap kung saan kukunin ang simpleng ballpen, papel, o files na kakailanganin. Ayusin agad ang lamesa sa dapat gagawin para mapabilis ang trabaho.

Connection – Simulan ang araw ng pagsasabi ng simpleng pagbati ng “hi,” “hello,” o ngiti sa iyong co-workers. Mahalagang magsabi ng “good morning” sa mga kasama sa trabaho para ma-maintain ang positive working relationship sa mga co-workers. Para matibag ang pader sa pagitan ng mga manggagawa at maging maayos ang flow ng pagtatrabaho at para may natatapos sa daily task.

Wisdom – Bago tumalon sa trabaho simulan ang araw na may baon na mga words of wisdom. Magbasa ng Bible at manalangin para may panang­galang sa mga stress at problema na kakaharapin. Makatutulong din ang mga inspirational quote na pwedeng isabit sa desk o magbasa ng libro ng mga matatagumpay na tao upang maging hamon din sa iyong buhay.

Show comments