Kung nung nakaraan ay tinalakay ko ang tungkol sa klase ng bangs na babagay sa hugis ng inyong mga mukha, ngayon naman ay ibabahagi ko sa inyo kung anong korte ng kilay ang babagay sa hugis ng inyong mukha. Sa tulong nito, hindi n’yo na kakailanganin pa ng sandamakmak na make-up tuwing lalabas ng bahay.
Kailangan n’yo lang ng tamang korte ng kilay nang sa gayon ay lumabas ang natural at tunay ninyong ganda. Para sa mga may oval o pahabang mukha, manipis, at walang kanto na kilay ang bagay sa inyo gaya ng nasa larawan.
Para naman sa mga may mahahabang baba, diretsong kilay na wala masyadong pataas ang perfect sa inyo. Sa mga bilugan naman, may kakapalan na kilay ang babagay sa inyo, medyo mataas (‘yung mukhang mataray) ang dapat na kilay para sa inyo para hindi magmukhang mataba ang inyong mukha. Puwede rin ito lagyan ng kanto. Halos kapareha ito ng may square shape na mukha, makatutulong ito para maging slim ang inyong mukha at mabigyang diin ang inyong mga panga. Para naman sa merong heart shape at diamond shape na face, kilay na medyo manipis ang bagay sa inyo na kilay at medyo mataas, puwede rin itong pakapalin para magmukha lalong bata ang inyong mga sarili.