Ang buhok ay isa sa pinakainiingatan na parte ng katawan nating mga kababaihan.
Konting gulo nito ay agad na nating kinaiinisan at “crowning glory” kung tawagin ng karamihan.
Halos lahat ata tayo ay nagkaroon ng pagsisisi sa gupit na inakala nating bagay sa atin pero hindi naman pala.
Kaya naman heto ang aking kolum para kayo ay tulungan kung sakaling gusto niyo maglagay ng bangs.
Meron kasing iba’t ibang klase ng bangs, at siyempre pa, dapat mong iayon ‘yun base sa hugis ng iyong mukha.
Heto ang ilang tips na pwede mong subukan kung sakaling ikaw ay pupunta sa iyong paboritong beauty parlor. (Tignan ang litrato)
Kung ikaw ay may square na mukha o mapanga, babagay sa iyo ang bangs na makapal at diretso para lalong mabigyan ng pansin ang iyong panga na tiyak ay kinaiinggitan ng iba.
Kung ikaw naman ay may oblong o pahabang hugis ng mukha, babahay sayo ang bangs na hindi pantay-pantay at manipis lang. Subukan mo rin ang gupit na maikli dahil mas liliit ang mukha mo.
Kung triangle o patulis naman ang iyong mukha ay ‘wag kang mag-alala dahil shaggy naman ang hairstyle na bagay sayo. Kaya punta na sa salon at para masubukan mo ang powers nito.
Para naman sa mga bilugan ang mukha, babagay sa inyo ang buhok na mas maikli pa sa haba ng inyong baba, bangs na hindi pantay pantay din ang mas babagay sa inyo para magmukhang payat ang akala ninyong “mataba” ninyong mukha.