Pagkatapos ng mahabang festival season, hindi nakapagtataka na ang karaniwang resolution ng lahat ay ang magbawas ng timbang.
Bago makamit ang inaasam na diet ay kailangan ng will power at commitment para makamtan ang healthy weight na gusto. Totoo naman na ang tamang body weight ayon sa edad at height ay mas nabubuhay ng matagal at malusog. Samantalang ang overweight o obese na tao ay madalas nagkakadebelop ng diabetes, heart disease, high blood, cancer, osteoporosis, at may fertility problem.
Ang unang goal ay dapat maayos muna ang eating patterns. Kapag mayroong proper meal routine ay makatutulong na makontrol kahit ikaw ay nagugutom. Kapag regular kasi ang kain nabubusog agad kahit sa maliliit na portion o may kasama pang cakes at chocolates. Nai-enjoy na ang mealtime at hindi pa tinitingnan ang pagkain bilang bawal o kalaban dahil sa nagda-diet. Mainam na kapag kakain ay patayin muna ang TV para namnamin ang kinakain at aware sa kung ano ang isinusubo sa bibig. Malaking factor din sa nagda-diet ay pagbabawas ng calories sa kinakain.
Kaya nga maging realistic na baguhin ang lifestyle, kahit sa paunti-unting hakbang tulad ng paglalakad, pagtakbo, pagbibisekleta, at kumain ng sapat na carbo diet. Hindi namamalayan na sa maliit na aksyon ay nakapagbabawas na ng timbang na hinahangad.