Kailangan pa ba ng New Year’s Resolution?

*Pagkatapos ng mga gastusin ang resolution ko...mag-ipon. – Wen, Bacoor, Cavite

*Mag-diet hehehe luma­laki na ang tyan ko sa rami ng mga ki­nain ko mula Pasko at Bagong Taon.  kulang na sa WorkOut – Sally, Mandaluyong

*tigilan ko na ang mangutang o mag-loan.  Para hindi patung-patong ang utang ko. Tatapusin ko muna na ma­kabayad at matapos na, at pati visa ko eh pilitin kong mabayaran-grabe sa interest! –Beth, Dasmarinas

*Ako three years ago, resolution ko, to stop smoking... nagawa ko naman. two years ago, resolution ko was to lower down my cholesterol levels...nagawa ko naman. from 310, naging 170 within one year. two years ago, resolution ko is to lose weight... nagawa ko naman... from 210, naging 178.
last year, wala akong resolution.

this year, resolution ko, gusto kong makita SEXY  ako. tagal ko na  laging naka-pants. Gusto ko naman magsuot ng lady like na sexy, but it means I need to lose weight from 178 to around 165.  pero try ko pa rin.. –Liza, Manila

* Depende rin kasi sa tao. Naghihintay pa ng January para magsimula ng bagong buhay. Puwede naman anytime na mag-exercise o mag-gym. Kaya madalas ningas kogon lang. Magaling sa simula. Pero hindi rin matapos ang gustong gawin sa buhay. - Maricel, Las Piñas

Show comments