Para mabilis magka-baby

Mga suggestions ng adventurous writer.com/blogbaby para sa mga kalalakihan:

Uminom ng multivitamins. Para mapabuti ang sperm health, ang iinuming multiviamins ay may B12, vit E, Arginine, L-carnitine, Zinc, selenium, co-enzyme Q10.

Iwasan ang sobrang init at pressure lalo na kung ang init ay direktang nakatapat sa scrotal area. Halimbawa, ang isang cook kapag nag­luluto sa harap ng stove ay kadalasang napapatapat ang kanyang scrotal area.

Iwasang magsuot ng masikip na undergarments.

Iwasan ang matagalang pagbibisikleta.

Huwag ipapatong ang laptop sa kandungan.

Iwasang mag-sauna  (steam bath) o mag-hot shower.

Iwasan ang gamot na nagpapababa ng fertility—Paxil, Anabolic Steroids, anti-biotic na may nitrofuran and macrolides, sulfasalazine na nakukuha sa gamot na pagtatae, ketoconazole na nasa anti-fungal medication.

Limitahan ang pag-inom ng inuming mayaman sa caffeine. Ang sobrang caffeine ay nakakapagpababa ng fertility. Ang maximum consumption ng softdrink o kape ay one to two servings per day.

Kung nagsisikap mabuntis, ipinapayong magtalik 3 times a week. Ang mga lalaki ay mas fertile sa umaga at mas mataas ang sperm count kung malamig ang panahon.

Next: Ang dapat gawin ng mga kababaihan.

Show comments