Dear Vanezza,
Hindi po ako nakatapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan kaya hindi ako makahanap ng trabaho. Dumating sa akin ang panahong gipit na gipit ako at may sakit ang mahal kong lolo at kailangan ang pera pambili ng gamot at operasyon. Gulung-gulo ang isip ko at gusto ko nang kumapit sa patalim. Gusto ko lang matulungan ang lolo ko. Pero nakokonsensiya naman ako. Hahihirap na po ako. - Toto
Dear Toto,
Ang kahirapan ng isang tao ay hindi sapat na dahilan para makagawa ng isang malaking pagkakasala lalo na’t ang taong inutang mo ang buhay ay nagsimula rin sa wala kundi sa puspusang pagsisikap at pagtatrabaho. Maganda ang pagnanais mo na maipagamot ang lolo mo. Pero ang pamamaraang mali ay labag sa batas. Makabubuting manalangin ka na makahanap ng trabaho, habang wala pa ay alagaan mo ang lolo mo. Nawa’y matagpuan mo na ang kapayapaan sa iyong puso.
Sumasaiyo,
Vanezza