^

Para Malibang

Iwas Disgrasya sa Bagong Taon

Pang-masa

Sa pagsalubong ngayong disperas ng Bagong Taon. Maraming paraan na hindi kailangang gumamit ng paputok na taun-taon ay nakapipinsala at nakamamatay na karamihan pa naman ay mga bata.  Hindi rin nadadala ang mga nakatatanda na pasimuno sa paggamit ng paputok. Hindi rin nawawala ang mga pasaway na gumagamit ng baril na sa malas ay marami nang tinamaan ng ligaw na bala at namatay.

Hindi lang dapat mga kawani ng Department of Health ang kumilos kundi, malaki ang maitutulong ng mga magulang, opisyal ng barangay, officer ng subdivision, at iba pang indibiduwal para mabawasan ang pinsala na sana ay maging zero casualties kahit ito ay imposible.

Maraming tips para makaiwas sa sakuna sa pagdiriwang ng disperas ng Bagong Taon. Puwedeng gumamit ng ibang pang paingay tulad ng karaniwang turotot, magpatugtog, pagtatambol, o manood ng mga fireworks sa mga naka-assign na areas.

Hindi rin nawawala ang taong nagsisindi ng apoy sa tabi ng kalye at doon inihahagis ang mga paputok. Tandaan lamang na dapat ito ay malayo sa linya o poste ng kuryente na maaring pagmulan ng sunog. Mas maganda rin na safe ang gagamiting pang pailaw.

Hindi kailangan maingay at magastos ang pagsalubong ng Bagong Taon. Sapat nang buo ang pamilya at kumpleto ang parte ng katawan kaysa sa mauwi sa disgrasya.

ANG

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

HINDI

MARAMING

MGA

PUWEDENG

RIN

SAPAT

TANDAAN

TAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with