Nagtatae? Uminom ng Buco Juice

Ang dehydration dulot ng pagtatae ay malulunasan sa simpleng pag-inom ng buco juice. Ayon sa isang pag-aaral, ang buco juice ay may sapat na potassium at glucose kaya ito ay mainam na ipainom sa mga nagtatae. Mas mayaman ito sa potassium kumpara sa saging. Pinipigilan ng potassium ang muscle cramps.

Pero natuklasan ng mga researchers na kulang sa sodium, chloride, at bicarbo­nate ang buco juice. Kailangan ito upang bumilis ang proseso ng rehydration sa katawan. Ang solusyon, dagdagan ng isang kurot ng asin ang bawat isang basong juice na iinumin. Kung malala ang pagtatae, uminom ng isang baso kada 3 oras. Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2007, ang buco juice na dinagdagan ng asin is as good as drinking commercial sports drink.

Masuwerte ang Pilipinas dahil ang buco juice na ating iniinom ay fresh from the shell samantalang sa ibang bansa ay sumailalim na sa food processing kaya nasa lata or naka-brick pack na ang kanilang nabibili.

Sources: skepticnorth.com, wbmd.com, dripdrop.com, Wikipedia, ncbi.nlm.nih.gov.com, coconutresearchercenter.com

Show comments