Gustong tuklawin ng ahas

Panaginip: May napulot akong cute na baby sa pintuan ng aming bahay. Pero nilalagnat ang baby. Ginamot ito ng aking boyfriend. Biglang nagkaroon ng ahas sa tabi ng baby, tumingin ito sa akin at ako ang gustong tuklawin.Tumakbo ako, baka kasi ako kagatin .---Kix

Interpretation: Ang sanggol ay simbolo ng pag-asa o bagong project. Simbolo ng pag-asa na may kaugnay sa pakikipagrelasyon. Naisip ko ito dahil present sa  pana­ginip ang iyong boyfriend.

May problema kayo sa inyong relasyon (nilalagnat ang bata) ngunit ito ay pinagsisikapan ninyong mabigyan ng solusyon. Ito ay ipinakita doon sa eksenang ginamot ng iyong boyfriend ang baby.

Ang ahas ay simbolo ng male sexuality. Nagtatakbo ka sa takot na baka ikaw ay kagatin. Nagdududa ka sa iyong boyfriend, na baka hindi ito tapat sa iyo at sakit lang ng damdamin ang idudulot nito.

Show comments