HINDI makapaniwala ang mga piloto na may mga tao pa sa islang hindi rin nila alam na tinirhan ng mga undead. Mga buhay na patay.
“Hindi natin kayang i-rescue ang mga ‘yan, we have no capabilities because we have no rescue equipments. Kailangang magradyo at bumalik pa tayo sa Manila.” Sabi ng senior pilot ng helicopter.
“And we have to do that immediately. Dahil ligtas nga sila ngayon but up to when. Mahirap ang kanilang kalagayan, they need to be rescued immediately.”
“Meron bang paraan para makapag-communicate tayo sa kanila? We even don’t have a megaphone. Para kapag nagsalita tayo ay maririnig nila tayo.”
“Wala nga. Pero makakagawa tayo ng paraan.”
SINA Lorenz at Miley ay nakatingala pa rin sa helicopter at panay ang talon at kaway.
“PLEAAAASE! HELP U! I-RESCUE PO NINYO KAMIIIII!”
“DO SOMETHING FOR US! TELL YOUR AUTHORITIES NA MAY MGA TAO DITO SA ISLA NA KAILANGANG ILIGTAS!”
Nadismaya ang dalawa dahil walang reaksiyon mula sa helicopter.
“Lorenz, wala yatang pag-asa ...”
“No! Wait! May nahuhulog mula sa itaas, mukhang dito sa ating balsa babagsak!”
“Oo nga, Lorenz! Hayan na!”
At bumagsak mula sa itaas, sa halos mismong tapat nila, ang kung anong mabigat na bagay na kasinlaki ng kamao na may nakataling papel.
Agad kinuha ni Lorenz ang bagay at tinanggal ang papel.
“Miley, this is a letter! Mukhang ito na ang gusto nating communication from them!”
“Basahin mo na, Lorenz! Dali!”
Binasa nga kaagad ni Lorenz.
“Babalik kami. Pangako. Mag-ingat kayo. Hintayin ninyo ang may kakayahang mag-rescue sa inyo.”
Naiyak si Miley sa tuwa. “At least, napakalaking pag-asa nito, Lorenz. Hindi natin maaasahang makakababa sila sa tubig to rescue us, wala silang mga gamit. Mga nag-survey lang ang mga ‘yan dahil sa tsunami na tumama sa isla.”
“Yes, Miley! Kaya huwag tayong mawawalan ng pag-asa, okay?”
At kinawayan nila uli ang helicopter.
Kamaway din sina Lorenz at Miley sa mga kasamahan nilang nasa ituktok ng bundok. Na ang ibig nilang sabihin ay magiging okay din ang lahat.
DALAWANG LABAS NA LANG