^

Para Malibang

Salbabidang Mansanas?

Pang-masa

May kasabihang “An apple a day keeps the doctor away”. Pero alam n’yo ba na ang mansanas ay “related” din sa ating mga guro?

Hindi lang mga duktor ang may kuwento tungkol sa paborito na ring kaining prutas ng mga Pinoy.

Traditional nang ipinangreregalo sa mga guro sa bansang United States, Denmark, at Sweden ang polished apples. Ito’y dahil sa kadahilanang mababa lang ang sahod ng mga guro noong mga bandang 16th to 18th centuries. Kaya para ma-compensate ang mga guro ay bininigyan sila ng mga magulang ng kanilang mga estudyante ng basket-basket na mansanas. Common na kasi na pananim ang mansanas noon kaya kahit ilang basket pa ang ibigay nila. Bongga, ‘di ba? Ang principal kaya ilang sako ang ibinibigay nila? Ha ha ha

Pero kalaunan, nang lumaki na rin ang mga kita ng mga guro. Isa-isang piraso na lang ang inireregalo ng mga bata sa kanilang titser. Kaya naman sa tuwing may makikita tayong larawan ng guro sa Internet, minsan ay mayroon siyang hawak o nakapatong na mansanas sa kanyang lamesa.

May isa pang kakatwang kaalaman tungkol sa apples. Napapansin n’yo ba na lumulutang ang prutas na ito kapag inilublob sa isang palangganang tubig? Hindi ito magic, ito’y dahil sa 25% ng volume ng apple ay hangin. Oo, hangin nga kaya naman para itong salbabidang lumulutang sa tubig.

Hmmm, puwede kayang gawing salbabida ang mga mansanas, kahit mga isandaang piraso? Burp!

ACIRC

ANG

BONGGA

GURO

HMMM

ISA

ITO

KAYA

MGA

PERO

UNITED STATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with