Walang ipinapanganak na may abilidad na fully developed agad ang anumang skills. Kahit anong gusto sa buhay ay nangangailangang dumaan sa proseso ng practice. Kaya huwag madismaya kung ang feeling ay mabagal ang pag-usad sa pagtatapos ng taon. Bago kasi marating ang point of mastery ay may mga concept na dapat pagdaanan:
Sipag – Practice, practice, at practice pa more. Kailangan regular at malimit ang pagsasanay dahil kasabay din nito ang struggle, pero ‘wag ma-distract; kundi mag-stick sa gift, skill, at talent na meron.
Disiplina – Ang pagsasanay ay ‘di nangyayari ng aksidente lang, kailangan nakaplano ito. Kailangan hamunin ang sarili para mangyari ito.
Perseverance – May mga panahon na manghihina at madidismaya, pero ‘wag susuko.
Consistency – Magiging effective ang practice kung magpopokus at gagawing routine ang schedule na nakaplano.