Naku, sa panahon ngayon hindi na dapat nagpapaputok ang mga tao tuwing Bagong Taon. Mas ok pa kung magpailaw na lang. Mga lusis, fountain at fireworks display. ‘Yung mga maiingay at delikadong paputok ay hindi na dapat pinapayagan ng ating gobyerno. Sa totoo lang, ang dami-daming nasisira ang buhay (napuputulan ng daliri/kamay, namamatay) dahil lang sa mga paputok na ‘yan. - Niccolo, Abra
Nakaugalian na nating mga Pinoy ang pagpapaputok tuwing Bagong Taon. Kaya pabor ako sa mga paputok. At saka, parang hindi kumpleto ang Bagong Taon kung wala ang mga sinturon ni hudas, kwitis, bawang at kung anu-ano pa. Bonding na rin ito ng mga Pinoy lalo na ng mga kalalakihan. - John Ray, Montalban
Kung ako ang tatanungin, mas magandang ipambili na lang ng pagkain ang ipambibili ng mga paputok. ‘Di lang mahal, grabe pa ang naidudulot ng mga paputok sa mga tao ‘no? Marami kayang inosente ang nadadamay sa ibang walang disiplina sa pagpapaputok. Dapat nga i-ban na ang pagpapaputok eh. Para na rin sa kaligtasan ng lahat. - Syrone, Quezon City
Sabi ng mga Chinese, pantanggal daw ng malas at pantaboy sa masasamang elemento ang pagpapaputok. Kaya wala akong nakikitang masama kung magpaputok man tuwing Bagong Taon. Dapat lang siguro maging maingat ang mga tao sa paggamit nito para walang ibang madadamay sakaling magkaaksidente. - Raymond, Marinduque
Ano nga ba ang nakukuha ng mga tao sa pagpapaputok tuwing Bagong Taon? Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang mga tao eh.
Bukod sa maitim na usok, eh ang ingay ingay pa ng mga ito. Nakakainis kaya.
Kung gustong mag-ingay ng iba, magtorotot na lang sila o kaya magbusina ng sasakyan. Kaloka! - Batsy, Cavite