1-Kung inaantok o wala sa mood, amuyin ang balat ng orange.
2-Maglagay ng kaunting lavender oil sa tissue at ilagay sa ilalim ng unan bago matulog. Ang amoy ng lavender ay nakakahimbing ng tulog.
3-Floss your teeth everyday. Ito ay pag-alis ng tinga sa ngipin sa pamamagitan ng dental floss. Kung walang pambili ng dental floss, puwedeng gamitin ang malinis na sinulid. Importante ang flossing upang manatiling healthy ang ngipin at gums. Ayon sa isang pag-aaral, may koneksiyon ang flossing para maiwasan ang sakit sa puso.
4-Pangalagaan ang mata sa pamamagitan ng 20-20-20 rule. Para maipahinga ang mata habang nagko-computer, nanonood ng TV o anumang activity na mata ang napapagod, ganito lang ang gawin: Tuwing ika-20 minuto, ipokus ang mata sa malayo, mga 20 feet ang distansiya, sa loob ng 20 seconds.
5-Araw-araw mag-meditate pagkagising sa umaga, kahit 10 minuto lang. Paano? Umupo nang naka-Indian sit. Tanggalin sa isipan ang lahat ng negatibo. Ngumiti. Pumikit. Dahan-dahang mag-inhale/exhale. Ganoon lang kasimple pero malaki ang magagawa nito sa iyong mood maghapon.
6-Bawasan ng 50 percent ang asukal na inilalagay mo sa iyong kape. Isa itong simpleng panimula para mabawasan ang asukal na ginagamit mo.
7-Iwasang magalit. Ang isang sumasakit kapag nagagalit ang isang tao ay ngipin. Kapag nasa kanan ang sumasakit, lalaki ang kinagagalitan mo, kung kaliwa, sa babae ka nagagalit. “Most of the pain and illnesses are caused by emotions. Mind and body affect each other significantly.”