8 Tumatakbong Kabayo

Simbolo ng tagumpay o panalo ang larawan or figurine ng walong tumatakbong kabayo. Ito ang mainam na idispley kung ikaw ay nakatakdang kumuha ng board exam, sumali sa isang contest; tatakbo sa eleksiyon o nakatakda kang ma-promote sa trabaho pero marami kayong pinagpipilian. Ginagamit din ito kung nag-aaplay ka sa abroad.

Kung ikaw ay may mataas na posisyon sa isang kompanya, magdispley ng figurine ng kabayong tumatakbo  sa iyong desk para manatili ang iyong imahe bilang powerful and dynamic man.

Saan ilalagay?

South ng living room, office para makilala ka at sumikat.

Southwest para makilala sa mataas na lipunan

Northeast kung kukuha ng board exam o anumang mahalagang pagsusulit.

 

 

       

       

 

Show comments