Marami nang naghihintay ng sale sa mga department store dahil higit na makakamura ang mamimili sa inaabangang item. Kadalasan ay hindi pa rin kayang bilhin ng pang karaniwan tao ang presyo ng mga prudukto.
Lalo na ang sadyang mahihirap na kababayan na hindi kayang makuha ang inaasam na regalo ngayong pagdiriwang ng Pasko. Ano pa kaya ang pulubi sa tabi ng kalsada at namamalimos?
Mabuti na lang ang pangako ng Panginoon tulad sa John 3:16 Sapagkat’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak, ay unlimited na regalo sa sinoman upang ang sinoman sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ito ang blessed promise na regalo ng Panginoon, hindi lang limitado para sa mayayaman o mahihirap lang, kundi sa buong sangkatauhan. Lahat ay puwedeng tumanggap ng unlimited na regalo dahil hindi natapos sa pagsilang ang pagkatawang tao ni Hesus, kundi Siya ay namatay at nabuhay muli na sinumang tatanggap sa kanya bilang tagapagligtas ay may buhay na walang hanggan sa kalangitan.