MANILA, Philippines - Ngayong marami nang nakatanggap ng bonus, higit na may pambili na ng pang-iiregalo sa pamilya at kaibigan. Kaso karaniwan ay basta na lang bumibili ng regalo na makita sa store, pero hindi talaga ma-achieve ang totoong satisfaction at comfort sa pagbibigay tulad ng damit, sapatos, o gamit.
Pero kung kapos pa rin sa budget at gahol na sa oras para makapamili, panahon na para paganahin ang natatagong talent sa pagiging malikhain ng puwedeng pangregalo. Swak na ang paggawa ng card na lagyan ng design na gustong gawin. Makatutulong kung maghahanap ng idea sa pag-search sa website.
Puwede ring mag-print ng napiling design saka maggugupit at gamitin sa naiisip na card. Bonus pa kung susulatan ng mga special greetings ang card ng mensahe tulad ng poem na may rhythm, joke, kuwento na magpapaalala ng mga good memories, at hindi rin mauubusan ng pagpipiliang mga verses sa Bible.
Magandang idea rin kung mula sa hilig na pagdo-drawing, pagpi-paint, pagawa ng card, photo frame, o kung may skills sa pagbi-bake, pagluluto, basta may personal touch o effort na hindi kailangang magastos na pangregalo o give aways sa gustong pag-aabutan ng gifts.
Hindi naman kailangan na bongga ang handmade, kakanin, o dessert na regalo na ang maganda pa na habang patuloy na ginagawa ito ay nama-master na ang ganitong abilidad at skills. Malaking achievement na rin na merong natutunan sa paggamit ng resources na hindi kailangan ng mahal.
Nailabas pa ang pagiging creative at productive na tiyak na magugustuhan dahil sa may personal touch at with love na pinaghirapan ng mahiwaga mong kamay.
Hindi rin basihan kung gaano kamahal o ilang oras ito pinaghirapan ang regalo, kundi ang gesture na makapagpasaya ng buong puso sa mahal sa buhay o kaibigan