Bakit Hindi Dapat Tirisin ang Tagihawat?

Bakit Hindi Dapat Tirisin ang Tagihawat? Kahit gigil na gigil ka na, maghunos dili ka muna bago mo tirisin ang mamula-mula at namamaga mong acne. Isipin mo na ang acne ay isang supot na naglalaman ng oil, nana at acne bacteria. Kapag tiniris mo iyan ng kuko, kakalat ang nana at acne bacteria sa ibang parte ng mukha. Papasok ito sa butas ng balat at mamamahay doon para tumubo ulit bilang panibagong acne. Ang kuko na ipinantiris mo ay may nakadikit na germs kaya ito ang magiging dahilan para maimpeksyon ang acne, na magiging sanhi nang mas malalim na sugat at peklat.  Ang mainam na gawin ay hintayin itong matuyo nang kusa para hindi  mag-iwan ng peklat. O, kaya ay pumunta sa dermatologist para sila ang gumamot.Source: http://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/teen-acne-13/pop-a-zi

Show comments