Isa sa dahilan ng pagkurba ng penis ay ang Peyronie’s (pay-roe-NEEZ) disease ang ang pagtubo ng fibrous scar tissue o peklat sa loob ng penis na sanhi ng pagkurba ng penis na nagdudulot ng masakit na erection.
Normal lang na kumukurba ang penis ngunit kung ito ay nagiging dahilan para mahirapan sa pakikipag-sex, ipinapayong magpatingin sa inyong doctor.
Pero ano ba talaga ang sanhi ng Peyronie’s disease?
Hindi lubos na maunawaan kung ano ang dahilan ng Peyronie’s disease ngunit maraming factor na lumalabas na
Peyronie’s disease ay resulta ng palaging pagkaka-injury sa penis. Posibleng nasaktan ang penis habang nakikipag-sex o kaya sa isang athletic activity.
Sa healing process, nabubuo ang peklat ng ‘di maayos na puwedeng maging nodule na magiging sanhi ng pagkurba ng penis.
Ang magkabilaang bahagi ng penis ay may malambot na tube (corpus cavernosum) na binubuo ng maliliit na blood vessels. Ang bawat corpus cavernosa ay nasa loob ng elastic tissue na tinatawag na tunica albuginea (TOO-nih-kuh al-BYOO-JIN-e-uh) na nababanat kapag may erection.
Kapag na-arouse sexually, tumataas ang blood flow sa mga kamara. Kapag puno na ang kamara, lumalaki ang penis kaya nagkakaroon ng erection.
Sa Peyronie’s disease, kapag matigas na ang penis ang bahaging may peklat ay hindi nababanat kaya nababago ang korte ng penis at kumukurba ito. Itutuloy
(Source: Mayo Clinic at WebMD)