Island of the undead (160)

PUMIKIT na lamang si Lorenz habang yakap si Miley, ito na ang katapusan nilang dalawa.

Paano pa ba sila lalaban kung ang kapangyarihan ni Reyna Coreana ay naibalik na ng panginoon nito ng kadiliman?

At sangkatutak na mga undead soldiers na ordinary at mga higanteng galing sa madyik ni Reyna Coreana?

Pero wala pang nakakapansin sa paggalaw ng dagat sa bahaging iyon ng karagatan.

Lumindol muna.

Maya-maya ay tila hinahalukay ang dagat, ang mga alon ay tila nagiging maliliit na bundok.

Papunta ang mga alon na ito sa island of the undead. Habang papalapit ay lalo pang lumalaki.

Ang aplaya ay nawalan ng tubig, akala mo ay umatras ang dagat. Pero kung tatanawin mo nga sa gitna, naroroon na ang mga higanteng alon.

Dudumugin na sana ng mga undead soldiers sina Miley at Lorenz nang may ilang sundalong napatingin sa dagat.

“Ano ‘yan? Bakit parang may mga maliliit na bundok sa tubig?”

“H-Hindi naman mga bundok ang mga ‘yan! Mga ... mga higanteng alon!”

“Mga higanteng alon?” Lumingon si Reyna Miley at nakita nga niya na pagkahihiganteng alon ang paparating.

Binuksan ni Lorenz ang mga mata at tumingin din sa dagat. “Diyos ko po! Tsunami!”

“Papunta dito ang mga alon na ‘yan, Mahal na Reyna. Ibig sabihin, lalamunin nila tayo!”

Mayabang pa rin si Reyna Miley, nawala ang pansin kina Miley at Lorenz na kanina pa gustong patayin.

“Ang duduwag ninyo! Bakit kayo matatakot? Ngayon pa na nagbalik na ang kapangyarihan ko?”

“K-kaya ninyong pigilan ang mga alon na ‘yan, Mahal na Reyna? Para hindi tayo lamunin?”

“Siyempre pa! Walang hindi kaya kapag gusto ng aking panginoon ng kadiliman!”

“Eh, pigilan n’yo na ho! Gamitan n’yo na ng kapangyarihan n’yo! Ang lapit na, o! Baka mahuhuli na kayo!” Nag-panic na ang isang undead soldier.

Itutuloy

Show comments