Ang bansang Cameroon na matatagpuan sa Kanlurang Africa ay binubuo ng iba’t ibang ethnic groups. Kaya ang Cameroonian greeting ay nag-iiba sa bahaging Francophone at Anglophone areas ng bansa.
Sa parehong parte ay nakikipagkamay ang mga kalalakihan.
Sa Timog Francophone, ang mga malalapit na magkaibigan ay maaaring magyakapan habang nakikipagbeso at hahalik sa hangin kasabay ang pakikipagkamay.
Sa Hilagang Anglophone naman, may kakaibang handshake ang mga malalapit na magkakaibigan. Pagkatapos kasi ng handshake ay hahawakan ng isang lalaki ang gitnang daliri ng isa gamit ang kanyang hinlalaki.
Bilang pagbibigay respeto naman ng mga kalalakihan sa mas nakatatanda o superior sa posisyon, iniiwasan nilang tumingin sa mga mata at yumuyuko sila.
Samantala, ang ibang mga Muslim naman ay hindi nagkikipagkamay sa opposite gender.
At dahil nga isang hierarchical society ang Cameroon, ang mas nakatatanda muna ang unang binabati.
Ang mga kababaihan naman ay hindi nakikipag-eye contact kahit pa sa ibang babae.
Hindi rin minamadali ang pakikipag-usap sa ibang tao. Importanteng tanungin muna ang tungkol sa pamilya ng kausap maging ang general interest sa unang pagbati.