Ang Christmas ay panahon na dapat ay nagdiriwang at nagsasaya, pero hindi lahat ay ganito ang nararamdaman. Ang Christmas ay puwede rin pagmulan ng stress at depression sa maraming tao:
Financial at Time pressure - Ang pagbili pa lang ng pagkain na panghanda at pagkukumahog sa paghanap ng maipangreregalo ay stressful na kahit kanino. Kaya dapat malayo pa lang ay naka-budget na ang pang-shopping sa ganitong okasyon.
Isolation o Pag-iisa - Dahil sa malayo ang pinagtatrabahuhan o nasa ibang bansa. Ang iba naman ay home alone ang drama dahil ang bata o anak ay maaaring nasa piling ng hiwalay na asawa. Pero puwede namang umatend ng party sa inyong community, subdivision, kaibigan, o kumare. Para hindi maging feeling lonely ang Pasko. Puwedeng mag-mall o pumunta sa lugar na gustung-gusto puntahan habang wala ang mga bata.
Tensiyon sa Pamilya - Merong magkakamag-anak na nagkukrus ng landas sa reunion at kung kelan pa Pasko ay saka pa sila magbabangayan. Makatutulong ang ibang miyembro ng pamilya na paghiwalayin sila at huwag masyadong paiinumin ng alak para ‘di ma-trigger ang pagmumulan ng away. Bigyan din sila ng distraction tulad na pakantahin na lang sa videoke, panonood ng movie sa TV set, o pakikipagkuwentuhan sa mga ito.
Pangungulila - Panahon na mami-miss ang asawa, anak, kaibigan, o classmates sa dahil bakasyon. Puwede naman maki-party sa iyong opisina, maki-street party para panahon na makipag-bonding muli sa dati mo nang mga friends o kabarkada sa inyong lugar. Huwag ma-guilty kung hindi kasama ang pamilya o classmates. Hindi mo naman ginusto na mawalay sa kanila ngayong kapaskuhan.