# 3 Bad Habits ni Mommy…na dapat itigil ora mismo!
1-Mahilig manghusga ng kapwa niya mommy. Halimbawa, pini-pintasan niya ‘yung isang mommy na tamad magluto kaya ang ipinakakain sa mga anak ay pulos street foods, foods from fastfoods o karinderya. Hindi mo namamalayan, naririnig ka ng anak mo at baka manahin niya ang ugali mong mahilig manghusga. Sa halip na magpokus sa ginagawang mali ng ibang ina, mind your own business at lalong magpursige na maging magaling na ina.
2-Negative self-talk. “Ang taba-taba ko na”; “Ay, ang tanga ko, bakit ko nagawa iyon?”; “Bakit ang pangit-pangit ko ngayon?”. Huwag pipintasan ang sarili lalo na kung naririnig ng mga kids. Mataas ang tingin ng mga bata sa kanilang ina. Kung maririnig nilang minamarder mo ang iyong sarili, ano ang iisipin nila? Ang kanilang mommy ay pangit, tanga, at tabatsoy? Aba, e, baka ka ikahiya ng iyong anak pagdating ng araw. Yes, kung minsan ay nagiging insecure tayo sa ating sarili, pero huwag mo nang ipagsigawan. Isaloob mo na lang. Be kind to yourself.
3-Pinipintasan mo ang mga taong minamahal ng iyong mga anak—ex-husband mo na tatay nila; bi-yenan mo na grandparents nila; mga hipag na hindi mo kasundo pero mabait na tita sa iyong mga anak. Isaloob mo na lang ang galit sa kanila. Kung may hindi kayo pagkakasundo, hayaan itong pang-adult issue na lamang. Hayaang mong patuloy na mahalin ng iyong mga anak ang mga taong mabubuti naman sa kanila. Be fair.
“A change in bad habits leads to a change in life.” - Jenny Craig
- Latest