Nagde-demand ng Regalo

Dear Vanezza,

Ngayong Pasko ang daming kong inaanak na reregaluhan. Okey naman sa akin yun kaso biglang nag-message sa akin ang kumare ko. Regaluhan ko raw siya ng iPhone, or ang inaaanak ko na lang daw sa kanya. Maganda nga ang trabaho ko, pero tama bang mag-demand sa akin na branded na CP? Paano ko ba siya re-replayan na hindi siya mao-offend? Salamat. – Vicky

Dear Vicky,

Sa panahon ngayon kahit maganda ang trabaho ay dapat pa ring maging praktikal. Sabihin mo sa kanya ang totoo, na ang hinihingi niyang regalo ay sobrang mahal at hindi kaya ng budget mo. Puwede naman siguro cell phone pero ‘di branded tulad ng kanyang hiningi. Hindi naman kailangan ng expensive gift para lang ma-please mo ang ibang tao. Ang mahalaga ay naalala mo sila ngayong Pasko.
Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments