Engagement ring

Panaginip: Binigyan ako ng engagement ring ng a­king boyfriend. Nakipagkita ako sa aking mga kabarkada at tiningnan nila ang aking ring habang nakasuot ito sa aking daliri. Buong pagmamalaki na iniunat ko ang aking braso at ibinuka ang kamay upang makitang mabuti ang singsing sa aking daliri. Pero naging blurred ang tingin ko sa aking singsing mula sa aking point of view.  Totoong may boyfriend ako at okey naman ang aming relasyon although hindi pa niya ako binibigyan ng engagement ring. Ano po ang ibig sabihin noon?---Michelle

Interpretation: Ang malabo mong tingin sa iyong engagement ring ay nagpapahayag lang  ng relasyong patungo sa paghihiwalay. O, ang relasyon mo sa kanya ay walang patutunguhan.

Show comments