Naranasan mo na ba ang umalis ng bahay at kailangan mong i-lock ang main door pero nai-stock ang susi sa deadbolt lock? Ang deadbolt lock ay uri ng mga lock sa pintuan na mas secure dahil hindi ito gumagamit ng spring. Mas mahirap itong buksan kung wala ang tamang susi.
Kadalasan namang nai-stock ang deadbolt lock sa paglipas ng panahon dahil sa mga naiipong dumi rito.
Isa sa mabilis na solusyon para rito ang paglalagay ng pampadulas. Pero hindi maaring gumamit ng oil dahil mas didikit ang dumi rito. Ang kailangan lang ay graphite powder. May nababiling ganito sa hardware na nakalagay sa tube para sa mas madaling paglagay sa pintuan.
Sa paggamit ng graphite powder mas mapabibilis ang pagpasok ng susi sa lock ng pintuan.
Maaari rin gamitin ang graphite powder sa maingay na hinges ng pintuan.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!