Kurbadong Penis (2)
May iba’t ibang dahilan kung bakit kurbado ang penis.
May normal na pagkakaiba talaga sa anatomy, puwedeng namana, Autoimmune disorder, dahil sa injury, at puwede ring dahil sa Peyronie’s desease.
Unahin natin ang peyronie’s disease.
Ang Peyronie’s (pay-roe-NEEZ) disease ay ang pagtubo ng fibrous scar tissue o peklat sa loob ng penis na sanhi ng pagkurba ng penis na nagdudulot ng masakit na erection.
Iba’t iba ang shape ng penis.
Karaniwan ang pagkakaroon ng curve erection pero hindi naman ito problema sa ibang lalaki, medyo OA ang kurbada ng penis at talagang masakit.
Sa ganitong kondisyon, mahihirapan ang mga lalaki na makipag-sex o kaya ang mag-maintain ng erection. Magreresulta ito ng erectile dysfunction o kaya ay stress at anxiety.
May-mangilanngilan na kusang nawawala ang Peyronie’s disease ngunit kadalasan ay hindi na ito nawawala at minsan ay lumalala pa.
Mangangailangan ito ng Treatment at kung OA ang pagkakurba ng penis, mahihirapan ang lalaki sa pakikipag-sex.
Ang sintomas ng Peyronie’s disease ay maaaring dahan-dahan ang pagde-develop o kaya ay agad-agad na lumalabas ang sintomas.
Ang karaniwang senyales ng Peyronie’s disease ay ang mga sumusumod.
•. PEKLAT. Makakapa ang Peyronie’s disease sa ilalim ng balat ng penis na parang matigas na flat na umbok.
•. Halatadong pagkurba ng penis.
•. Mahahalata ang pagkurba ng penis pababa-pataas, pakaliwa, o pakaanan. Puwede ring magkaroon ng pagpayat.
•. Problema sa Erection. Ang Peyronie’s disease ay nagdudulot ng problema sa pagkakaroon ng erection o pagme-maintain ng erection. In short, erectile dysfunction.
•. Pagliit/pag-iksi ng penis. Puwedeng lumiit o umiksi ang penis dahil sa Peyronie’s disease.
•. Masakit. Maaaring makaramdam ng masakit sa penis kahit walang erection.
Kadalasan, nawawala ang nararamdamang sakit makalipas ang isa o dalawang taon pero ang peklat sa loob ng penis ay maaaring ‘di na mawala.
ITUTULOY (Source: Mayo Clinic at WebMD)
- Latest